Linggo, Enero 29, 2012

1-2 digmaang pandaigdig

Unang Digmaang Pandaigdig

Ang Unang Digmaang Pandaigdig o Unang Pandaigdigang Digmaan ay isang malawakang digmaang pandaigdig na naganap noong mga taong 1914 hanggang 1918. Sangkot sa digmaan ang mga nangungunang bansa ng mundo na noo'y nabibilang sa dalawang magkalabang alyansa: ang Alyadong Puwersa at Puwersang Sentral. Mahigit sa 70 milyong sundalo ang lumahok sa digmaang ito na pumatay ng tinatayang 9 milyong katao bunga ng mabilisang pag-unlad ng teknolohiya sa pakikibaka. Sa pangkalahatan, ang Unang Digmaang Pandaigdig ang ikaanim na pinakamapinsalang digmaan sa kasaysayan.
Ang pagpatay noong 28 Hunyo 1914 kay Artsiduke Franz Fernando, tagapagmana ng trono ng Austria-Unggarya, ng isang nasyonalistang Serbiyan ang pinakamalapit ng sanhi ng pagsisimula ng digmaan. Ang naturang pangyayari'y nagtulak sa Austria-Unggarya na magbanta sa Kaharian ng Serbiya na siya namang nagbunsod sa mga alyansang namamagitan sa mga bansa sa Europa na makibaka sa isa't isa. Sa mga sumunod na linggo'y nasuong na sa digmaan ang mga nangungunang bansa sa Europa, kasama ng kani-kanilang mga kolonya, at ang tunggalia'y kagyat na lumaganap sa buong mundo.
Talaksan:WW1 TitlePicture For Wikipedia Article.jpg

Nagsimula ang digmaan noong 28 Hulyo nang salakayin ng Austria-Unggarya angSerbiya. Sinundan ito ng pananakop ng Alemanya sa BelhikaLuksemburgo atPransiya at ng pananalakay ng Sandatahang Ruso sa Alemanya. Matapos mapipilan ang pag-abante ng Sandatahang Aleman patungong Paris, halos hindi na gumalaw ang linya ng mga bambang ng Bunsurang Kanluran hanggang 1917 samantalang sa Silangan ay matagumpay na nalabanan ng Sandatahang Ruso ang Sandatahang Austro-Unggaryo ngunit napaatras bunga ng pananalakay ng Sandatahang Aleman. Ilan pang bunsuran ang nagbukas matapos sumama sa digmaan ang Imperyong Otomano noong 1914, Kaharian ng Bulgarya't Italya noong 1915 at Rumanya pagsapit ng 1916. Bumagsak naman ang Imperyong Ruso noong 1917, at lumabas ang Rusya sa digmaan matapos ang Himagsikang Oktubre noong taon ding iyon. Matapos ang isang opensibang Aleman sa Bunsurang Kanluran noong 1918, pumasok ang Estados Unidos sa digmaan sa panig ng Alyadong Puwersa na naglunsad ng mga matatagumpay na opensiba laban sa Sandatahang Aleman. Pagsapit ng 11 Nobyembre ng taong iyon ay sumuko ang Alemanya, gayon din ang kanyang mga kaalyado.
Sa pagtatapos ng digmaan ay apat ng kapangyarihang imperyal ang nalusaw: ang mga Imperyong AlemanRusoAustro-Unggaryo at Otomano. Ganap na nagwakas ang huling dalawang imperyong nabanggit at umusbong naman muli sa labi ng Imperyong Ruso ang Unyong Sobyet, samantalang lumitaw naman sa Silangang Europa ang ilang mga bagong bansa. Nabuo ang Liga ng mga Bansa sa pag-asang mapipipilan nito ang anumang tunggaliang maaaring maganap sa mundo. Ang kinahinatnan ng digmaan, gaya ng mga probisyong itinadhana ng Tratado ng Versailles, ang mga nakalulunos na ibinunga ng Dakilang Kapanglawan, ang nasyonalismo sa Europa, at ang muling paglakas ng Alemanya ang siyang naging dahilan upang muling sumiklab ang isa pang pandaigdigang digmaan pagsapit nang 1939.

Paglakas ng Alemanya

Noong 1870 ay sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Pransiya at ng Hilagang Kompederasyong Aleman na kinabibilangan ng PrusyaBadenBavaria at Württemberg. Sa digmaang ito'y nasakop ng Sandatahang Aleman sa pangunguna ng mga Pruso ang malaking bahagi ng Pransiyahanggang sa ang Paris ay bumagsak nang sumunod na taon. Sa kabila nito'y ipinagpatuloy ng Sandatahang Pranses ang pakikibaka hanggang sa tuluyang mapipilan at lagdaan ang Tratado ng Frankfurt. Dito nagwakas ang Ikalawang Imperyong Pranses na pinalitan ng Ikatlong Republikang Pranses. Samantala, itinatag naman ang Imperyong Aleman nang mapag-isa ang dating magkakahiwalay at maliliit na mga estadong Aleman sa ilalim ng pamumuno ng Prusya kung saan itinalagang emperador si Wilhelm II at si Otto von Bismarck bilang kansilyer. Napasa-kontrol ng bagong tatag na imperyo ang Alsace at Lorraine, mga teritoryong Pranses, ayon sa itinadhana ng kasunduan. Mula noo'y umunlad ng gayon na lamang ang ekonomiya't industriya ng Alemanya hanggang sa makipagpaligsahan ito sa Britanya sa pagpaparami't pagpapalakas ng sandatang pandagat lalo na nang ilunsad nitong huli ang HMS Dreadnought, isang makabagong uri ng barkong pandigma. Ang mga Pranses naman, sa kabilang banda, ay desidido na muling mabawi ang Alsace at Lorraine mula sa mga Aleman.

Kaguluhan sa Rehiyong Balkan

Noon namang 1912 ay sumiklab ang isang digmaan sa Rehiyong Balkan nang salakayin ng Ligang Balkan na kinabibilangan ng Bulgarya,GresyaMontenegro at Serbiya ang Imperyong Otomano na dating nakasasakop sa kanila. Sa isinagawang pagsalakay ay napasakamay ng liga ang mga nalalabing kolonya ng Imperyong Otomano sa Europa ngunit kalauna'y namuo ang sigalutan nang di magustuhan ng Bulgarya ang ginawang paghahati-hati ng liga sa mga teritoryo ng Masedonya. Noong 1913 ay sinalakay ng Bulgarya ang Gresya't Serbiya ngunit napipilan ng liga at maging ng Rumanya't Imperyong Otomano na nakialam sa sigalutan. Mula noo'y nabuo ang masamang pagtitinginan ng Bulgarya't Serbiya sa isa't isa. Nauna rito noong 1908 ay nakatunggali ng huli ang Austria-Unggarya hinggil sa pagsakop ng nasabing imperyo sa Bosnia at Herzegovina. Ang pangyayaring ito'y nagkapagpagalit man din sa Rusya na kaalyado at tagasuporta ng Serbiya samantalang nilayon ng huli ang kalayaan at pag-iisa ng mamamayang Slav na nasa ilalim ng pamamahala ng Austria-Unggarya. Ito'y itinuring ng Austria bilang banta sa katatagan ng kanyang imperyo

Mga alyansa

Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isang pandaigdigang labanan na nagsimula noong Hulyo 71937 sa Asya at Setyembre 11939sa Europa. Natapos ito hanggang 1945, at nasangkot ang karamihan ng mga bansa sa daigdig at bawat kontinente na may naninirahan. Tinuturing ito na pinakamalawak, pinakamahal at pinakamadugong labanan sa kasaysayan ng sangkatauhan.Maaalalang ang mga bansang lumahok sa digmaan ay nagbuhos ng napakaraming pwersang militar upang lupigin ang bawat panig.

Pagsikat ng mga Diktador

Talaksan:Bundesarchiv Bild 183-S33882, Adolf Hitler.jpg

Noong mga 1930, sinimulan ng mga pinunong militar ng Hapon ang pananakop sa mga bahagi ng Tsina at iba pang bansang Asyano. Nasakop ng Hapon ang Manchuria noong 1931. Nang malaman ito ng League of Nations, umalis ang Hapon at lumawak ang imperyo sa labas ng bansa.
Ang Alemanya ay napasakamay ng partidong Nazis noong 1933. Ang kanilang pinuno ay si Adolf Hitler. Sinisi niya ang mga suliranin ng Alemanya sa mga Jews. Sunod-sunod ang mga pakikipag-ugnayan niya sa mga karatig bansa, partikular ang bansang Italya na nasa ilalim ng pamumuno ni Benito Mussolini sa ilalim ng Batas Militar.

Digmaan sa Asya

Nag-siklab rin ang digmaan sa Pilipinas. Dulot ito ng pagsabog ng Pearl Harbor sa Hawaii, Malaya (Malaysia at Singapore sa ngayon),at iba pa. Inutos ni Franklin D. Roosevelt ang pagsama ng Amerika sa digmaan. Ang Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon ay inilikas sa Malinta Tunnel sa Corregidor. Nilisan nina Quezon at MacArthur ang Pilipinas, si Quezon sa Amerika; para ilikas ang Komonwelt, pati na rin ang kanyang gabinet at pamilya, habang si MacArthur ay pumunta sa Australia. Sumuko ang mga sundalo sa Bataan, at ito ang puno't dahilan ng Martsa ng Kamatayan. Naglakad ang mga sundalong Pilipino at Amerikano mula sa Mariveles, Bataan papuntang Capas, Tarlac. Marami pa ang nangyari.
Noong Hunyo 6, 1944, ang paglumunsad ng mga sundalong Amerikano, Briton at Kanadyano ay nagsimula ng pagsakalay sa Normandy, Pransya ay lumaban ng mga sundalong Aleman. Ang mga puwersang Kakampi sa tulong ng mga sundalong Pranses sa Normandy ay nagsimula ng pagpapalaya sa Pransiya.
Noong Oktubre 20, 1944, Bumalik si heneral Douglas MacArthur at mga kasamahan ni dating pangulong Sergio Osmena, heneral Basilio J. Valdes, brigidyer heneral Carlos P. Romulo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at si heneral Richard H. Sutherland ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos ay ang dumaong ng puwersang Amerikano sa Palo, Leyte. At nagsimula ng Pagpapalaya ng bansang Pilipinas sa pagitan ng pagsamahin na mga tropang Pilipino at Amerikano kabilang ang mga kumilalang pangkat ng mga gerilya noong 1944 hanggang 1945 at ang pagsalakay ng puwersang Hapones. Nagsimula ang Labanan ng Pagpapalaya sa Maynila noong Pebrero 3, hanggang Marso 3, 1945 ay nilusob ng magkakasanib na hukbong Pilipino at Amerikano na isinalakay at pagwasak ng pagbobomba sa ibabaw ng kabiserang lungsod laban sa hukbong sandatahan ng Imperyong Hapones, at mahigit sa 100,000 mga Pilipinong sibilyan ang napatay sa kamay ng mga hukbong Hapones. Noong Setyembre 2, 1945, sumuko si heneral Tomoyuki Yamashita sa mga tropang Pilipino at Amerikano sa Kiangan,Lalawigang Bulubundukin (ngayon Ifugao) sa Hilagang Luzon. Nagsimula ang mga sundalong Pilipino at Amerikano ay naghahanda ng pagsalakay at pagpapalaya sa Hilagang Luzon ay lumaban sa mga hukbong Imperyong Hapones noong 1945.
Noong Abril 16, 1945, pumasok ang mga sundalong Sobyet sa lungsod ng Berlin, matatagpuan sa kabiserang lungsod ng Alemanyang Naziay lumaban sa mga sundalong Aleman ay sinira ito at nagwasak ng lungsod at may hihigit sa 600,000 sundalong Aleman at mga sibilyan ang namatay at nasugatan sa mga kawal ng pulang Sobyet. Noong Mayo 8, 1945, Ang pagkatalo ng mga Alemanyang Nazi at ang pagsuko sa pwersang Kakampi.
Natapos lamang ang digmaan sa buong mundo pagkatapos ng pagpirma ng pagsuko ng mga sundalong Hapon sa sundalong Amerikano, pagkatapos ng pagbobomba sa Hiroshima at Nagasaki, noong Setyembre 2, 1945, sa Look ng Tokyo, Hapon.

RIZAL HIGH SCHOOL
II-JENNINGS (13)
ARALING PANLIPUNAN II
MRS. CAPUA

PREPARED BY:

JUDY ANN B. DAGOHOY
RYAN CHRISTIAN D. DIA
MA.CHRISLYN R. DAVO
RAYNER M. COPIADO
MICHAEL FRENCH DURIN
ANGELICA TENEZA